MANILA, Philippines – Ipapakilala ng Department of Education (DepEd) ang isang bagong mukha ng pag-aaral para solusyunan ang ‘illiteracy problem’ sa bansa.
“At ang salita ay naging gawa,” ito ang paglalarawan ni DepEd Secretary Armin Luistro sa kauna-unahang Alternative Learning System sa mobile bus katuwang ang channel UNTV at Ang Dating Daan.
Ang Alternative Learning System project ay kinabibilangan ng mga state-of-the-art buses na iikot sa rural roads ng bansa. Ang proyekto ay tinawag na “Dunong-Gulong ng ALS” at ito ay may dalawang buses para sa initial operation na ibinigay ng UNTV at ng Ang Dating Daan.
“This project is considered as milestone for the public service endeavors of DepEd,” sabi nina Kuya Daniel Razon ng UNTV at Bro. Eli Soriano ng “Ang Dating Daan.”
Ang Dunong-Gulong bus ay maaaring makapagsakay ng 30 learners at ito ay nilagyan ng UNTV ng LCD monitor para sa visual presentation, teacher’s desk, projectors, laptop, cabinets at isang library.
Pilipino Star Ngayon, December 02, 2010