Pag-aaral Ukol sa Adult Literacy ng Bansa Binigyang Linaw sa 155th LCC Meeting
Naging pangunahing paksa sa ika-155 na pagpupulong ng konseho ang mga bagong kaalaman ukol sa Research Study on the Development of Benchmarks for Adult Literacy Competencies na ibinahagi ni Dr. Heidi B. Macahilig ng Philippine Normal University (PNU) na syang project leader ng nasabing proyekto. Ang pag-aaral na ito ang naghikayat sa kanilang grupo upang tuklasin ang mga hamon na kinakaharap ng adult literacy, masukat ang kanilang kakayahan, at makabuo ng mga rekomendasyong pang-polisiya.
Dr. Heidi B. Macahilig ng Philippine Normal University
Ang naturang pulong na ginanap noong Nobyembre 17, 2023 sa pamamagitan ng Zoom video conference ay pinangunahan ni Undersecretary Gina O. Gonong ng Curriculum and Teaching ng Kagawaran ng Edukasyon. Kabilang din sa mga aktibong nakibahagi sa pulong ay sina Dr. Bert J. Tuga ng Philippine Normal University (PNU), Director-General Jose A. Torres, Jr. ng Philippine Information Agency (PIA), Ms. Flora C. Arellano ng E-Net Philippines, Assistant Director Edgardo S. Aranjuez II ng National Economic and Development Authority (NEDA), Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda ng DepEd, Officer-in-Charge Assistant Secretary Marilette R. Almayda ng Bureau of Alternative Education (BAE), at iba pang kinatawan ng LCC members at mga panauhin.
Undersecretary of Curriculum and Teaching,
Gina O. Gonong sa pulong ng 155th LCC Meeting
Kabilang sa mahahalagang tinalakay ay ang mga sumusunod: 1) LCC’s Accomplishments for FY 2023; 2) LCC’s Programs, Activities, and Projects for FY 2024; at 3) Voting Results for the New NGO Representative to the LCC, at iba pang napapanahong paksa.
Ang resulta ng boto para sa bagong NGO Representative ng konseho ay inihayag ni OIC ASec. Almayda na umani ng limang boto mula sa mga miyembro ng LCC para kay Dr. Milwida M. Guevara ng Synergeia Foundation.
Kuha ni Usec. Gina O. Gonong kasama ang mga miyembro at kinatawan ng LCC,
LCC Secretariat at iba pang panauhin